
“Peacebol” Album: Song lyrics
A Filipino Song * Tell Me Pls. (What’s Happening) * Peacebol * Lipad * Katok sa Langit * Ang Saya-Saya * Sayaw Jose, Sayaw na Fe * Bonus Track: Pilipino Ako… Kristiyano
A Filipino Song
Refrain:
Filipinos here and there
Filipinos everywhere
Working ‘til the sun comes down
And when the moon shines
Party all night long
Filipinos here and there
Oh you see us everywhere!
Singing to the world
And bringing you the word
And loving all the time
I.
From the land where the sun shines brightly
You can see everyone smiling sweetly
There’s a warm welcome here and a melody
That will bring joy and love to your heart.
Refrain
II.
And when the rain comes pouring down
You won’t see us sigh or frown
We hold hands and we dance and we celebrate
We look up and to God we give thanks.
Ad lib
Refrain
Ad lib
End
Tell Me Please (What’s Happening?)
Chorus:
Tell me please what’s happening? (Tell me please)
Tell me please what’s happening? (Tell me please)
Tell me please what’s happening? (Tell me please)
‘Cause I’m a li’l bit confused
(Repeat)
I.
We know we belong to a Christian nation
In this part of the world where we value religion
People go to church, they kneel and they pray
But on the other hand you know what they say
There’s so much corruption
There’s so much oppression
So much apathy and discrimination
Don’t you think it’s a wrong equation
When our faith doesn’t match with what we do?
What do you think, Brother?
Chorus
II.
Now don’t get me wrong I’m no anti-religion
In fact, I’m a preacher and that’s my mission
I say, “Go on and pray! Read your bible everyday”
“But hey! There’s gotta be some real transformation
You gotta be more lovin’, you gotts be more givin’
Understandin’ that we’re not all the same
And every time we reach out to those who have less
I say, “That’s where our faith is at its best!”
“What do you think, Sister?”
Chorus
Ad lib
Bridge:
So what do we do?...
Put your faith into action (That’s what we do)
Put your faith into action (That’s what we do)
Put your faith into action (That’s what we do)
And we all stop getting confused
(Repeat)
Ad lib
… So what do you think, Father?
“Peacebol”
I.
Huwag mag-away-away, mahal ang tinapay
‘Di na kailangan na magkasakitan
Kung kasalanan mo aminin mo agad
Ang nagpapakumbaba ay siyang itataas
II.
‘Tigil na natin ang ugaling mahangin
Ang matalinong matsing ay may katapat din
Nasa pagbibigayan ang tunay na kayamanan
Susulong ang lahat kung tayo ay magtutulungan
Refrain:
Kain tayo ng “Peacebol”
Ayos tayo diyan
Pwede nating pag-usapan
Imbis na magbangayan
Share tayo ng “Peacebol”
At ang tampuhan
Ay mawawala at babalik ang lambingan
Gusto ko ng “Peacebol – oohhh”
Ang sarap ng “Peacebol – oohhh”
Ad lib
III.
Huwag ng mag-inggitan, huwag mo ng siraan
Ang umaasenso ay batiin mo
Patawarin mo na ang may atraso sa ‘yo
At bigyan ng pagkakataon na magbago.
Refrain
Ad lib
… “Peacebol – oohhh”
… “Peacebol – oohhh”
Lipad
I.
Matatali mo ang aking mga kamay
Makakadena mo ang aking katawan
Ngunit ‘di mo mapipigilan
‘Di mo makakahon
Lumaya at lumipad ang aking isipan
II.
Matigil mo man ang aking salita
Mapigil mo man ang aking pagkanta
Ngunit ano’ng magagawa mo
Sa takbo ng puso ko
Wala ka na ditto sa akin na lamang ito.
Refrain:
Ako’y lilipad sa kalawakan
Lumilipad sa ‘king kalayaan
Lilipad ako kahit saan
Lilipad ako kahit kailan.
Ad lib
III.
Matigil mo man ang aking salita
Mapigil mo man ang aking pagkanta
Ngunit ‘di mo mapipigilan
‘Di mo makakahon
Lumaya ang puso, lumipad ang aking isipan
Refrain
Ad lib
Refrain
… Lumilipad
… Lipad
… Ho-oh-Ho-oh-Ho-oh-oh
… Ho-oh-Ho-oh-Ho-oh-oh
… Lumilipad
… Lipad
Katok sa Langit
I.
‘Di mapakali ang loob ko
Sa mga tanong sa buhay ko
Tatakbo o hihinto
Lalaban ba o susuko
Hanggang kalian magtatago sa mundo, oohh.
II.
Pwede bang ako’y maging ako
Magkaibigan pa kaya tayo
Kung sasabihin ko sa ‘yo
Ang tunay na damdamin ko
Ang takot nga at pangamba’y kunin mo, oohh.
Refrain:
Kumakatok ako, kumakatok sa langit
Naghahanap ako, nagtatanong kung bakit
At bubukas, ang pintuan
Heto na nga, ang kasagutan.
Repeat I, II, Refrain
Refrain
… Kumakatok ako sa langit
… Kumakatok ako sa langit
Ang Saya-Saya
I.
Ang saya kung may kapayapaan
Ang saya kung may unawaan
Ang saya kung may pagbibigayan
Ang saya ng buong bayan
Refrain:
Ang saya-saya, ang saya-saya
Ang saya-saya, sana
Ang saya-saya, ang saya-saya
Ang saya-saya, ‘di ba?
II.
Ang saya kung pantay ang tinginan
Kung mahirap man o mayaman
Ang saya kung wala ng digmaan
At lahat tayo’y magkaibigan
Refrain
Ad lib
Bridge:
At kung ako ay mapagbibigyan
Ang dalangin ko sana ang lahat magmahalan
Ad lib
Bridge
Refrain / Repeat / Fade
Sayaw Jose (Sayaw na Fe)
I.
Mahirap man ang buhay ni Jose
Lagi naman itong nakangiti
Buong araw ang kayod
Kahit na sagad sa pagod
Magsasayaw pa rin ‘tong si Jose
Refrain 1:
Sayaw Jose, sayaw Jose
Sayaw Jose – hehehehe
Sayaw Jose, sayaw Jose
Sayaw Jose – hehehehe
II.
Mahirap man ang buhay ni Fe
Pero lagi siyang nakangiti
Buong araw ang kayod
Kahit na sagad sa pagod
Magsasayaw pa rin itong si Fe
Refrain 2:
Sayaw na Fe, sayaw na Fe
Sayaw na Fe – hehehehe
Sayaw na Fe, sayaw na Fe
Sayaw na Fe – hehehehe
Ad lib
(Sayaw ka na, sayaw ka na
Sayaw na, sayaw ka na
Sayaw ka na, sayaw ka na
Sayaw na, sayaw ka na)
III.
Mahirap ang buhay nina Jose at Fe
Lagi naman silang nakangiti
Buong araw ang kayod
Kahit na sagad sa pagod
Magsasayaw pa rin sina Jose at Fe
Refrain:
Sayaw Jose, Sayaw na Fe
Sayaw Jose – hehe, at Fe
Sayaw na Fe, Sayaw Jose
Sayaw na Fe – hehe, at Jose
Ad lib
(Sayaw na, sayaw na, sayaw ka na
Sayaw na, sayaw na, sayaw ka na
Sayaw na, sayaw na, sayaw ka na
Sayaw na, sayaw ka na…)
Pilipino Ako… Kristiyano
Chorus:
Pilipino ako (Kristiyano)
Pilipino ako (Kristiyano)
Pilipino ako (Kristiyano)
At ang lahat ay kapatid ko.
(Repeat)
I.
Mula Batanes hanggang Tawi-tawi
Ang sigaw sana natin palagi
Kahit iba siya, kahit iba ako
Pareho tayong Pilipino
At kung ako man ay Kristiyano
At ikaw nama’y katutubo
O Muslim ka man, O ibang paraan
Ang pagsamba mo at panalangin
Bridge 1/2:
Iisa pa rin, bayan natin (ang Diyos natin)
Kapayapaan pa rin (Ang pag-ibig pa rin)
Magbubuklod sa ‘tin
Sa langit ang uwi natin
(Chorus)
II.
Opisina mo ma’y sa Makati
O nagtitinda ka sa palengke
Nasa dagat ka man, nasa bukid pa man
Pilipinas ang ‘yong tahanan
Iisa ang Diyos na tinatawag
Pinanggagalingan ng liwanag
Bakit kailangan pa na mag-away-away
Bakit kailangan pang pumatay
Bridge 2
Chorus
Ad lib
Bridge 3:
Isigaw mo na nga kabataan
Isigaw mo na nga kababayan
Iisa pa rin bayan natin, Iisa ang Diyos natin
Kapayapaan pa rin (Kapayapaan pa rin)
Ang pag-ibig pa rin (Ang pag-ibig pa rin)
Magbubuklod ‘sa tin (Magbubuklod sa ‘tin)
Sa langit ang uwi natin.
Chorus
